Mga pulis, pinasabugan sa Masbate; sundalo sa Palanas, inisnayp ng NPA

SORSOGON CITY – Hinihinalang planado ang ginawang ‘atrocities’ ng rebeldeng grupong NPA sa Masbate.

Ayon sa ulat, pinasabugan umano ng nasabing hukbo ang tropa ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa bayan ng Cataingan habang sa bayan ng Palanas ay inisnayp ang isang sundalo.

Masuwerte namang walang nasaktan sa tropa ng 2nd Provincial Mobile Force Company nang pasabugan ng IED ang mga ito habang lulan ng kanilang service vehicle sa Brgy Badiang, Cataingan.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Sa isinagawang hot pursuit operations ng tropa ay nahuli ang isang Jerry Mantal Lasan, 32-anyos, residente ng nasabing barangay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon dito kung may kinalaman ito sa nangyaring pagsabog o kasapi ito sa nasabing hukbo.

Ayon pa sa report may narekober na mga gamit sa pampasabog sa nasabing lugar, pagkain at pera.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, nasa ‘stable condition’ na ang isang sundalo matapos ito masugatan sa ikinasang ‘isnayp operation’ ng NPA sa Brgy Bigaa, Palanas, Masbate.

Kinilala ang sundalo na si Sgt Ariel Sanchez ng 31st Infantry Battalion, miyembro ng TF Masbate at residente ng Brgy Basud, Camarines Norte.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng Punong Himpilan ng 31st IB na nakabase sa Brgy Rangas, Juban, Sorsogon, si Sanchez ay nasa ligtas nang kalagayan at nagpapagaling na lamang ito sa kanyang sugat na natamo.