Bilang ng mga naitalang krimen sa Catanduanes, mula Enero-Agosto ngayong taon, bumaba ng 43% kumpara noong 2020

BNFM BICOL—Mas mababa ng 43% ang mga naitalang krimen sa lalawigan ng Catanduanes mula Enero hanggang Agosto ngayon taon, kumpara sa kaparehong peryodo noong 2020.

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, nasa kabuuang 515 krimen lamang ang kanilang naitala sa nasabing peryodo habang 905 naman noong 2020. Dahil dito malinaw na nasa 390 bilang ng krimen ang nabawas ngayong taon kung ihahambing ito sa datus noong nakaraang taon.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ilan sa mga krimeng nakapagtala ng mababang bilang ngayong 2021 ay ang Theft, Physical Injury, Homicide, Rape at Carnapping.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ganunpaman, naitala ang walong kaso ng murder sa isla ngayong taon, mas mataas ng tatlo mula sa limang murder cases noong 2020.

Bahagya ring tumaas ng 5.61% ang bilang ng vehicular accidents na may 111 mula sa 107 insidente lamang noong 2020.###