NIA nagsagawa ng Mobile Application of Condonation Program sa iba’t- ibang barangay sa lalawigan

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng Mobile Application of Condonation Program ang National Irrigation Administration (NIA sa iba’t- ibang barangay at mga Irrigators Associations sa lalawigan ng Camarines Norte kamakailan.

Ayon sa ahensiya, noong Setyembre ay nagsagawa ng nabanggit na aktibidad sa Brgy. Guinacutan sa Vinzons, San Francisco sa Talisay, Borabod  at Cobangbang sa Daet at noong Agosto naman ay sa Pamorangon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Bahagi umano ito ng inisyatiba ng ahensiya na madagdagan ang bilang ng mga aplikante sa condonation program at para mapadali ang pakikipag transaksyon ng mga magsasaka sa naturang opisina.

Hindi na kasi kailangang  magtungo ng mga magsasaka sa opisina ng NIA para personal na mag apply.

Para naman ma- exempt ang mga magsasaka sa pagbabayad ng Irrigation Service Fee (ISF) ay kailangang magpakita ng Transfer Certificate of Title (TCT), Certificate of Land Ownership (CLOA) at Emancipation Patent (EP).

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kasama rin sa mga dapat ipresenta ay ang Tax Declaration, Certificate of Landholding na inisyu ng Office of the Treasurer ng concerned LGU, Land Registration Authority o mula sa Department of Agrarian Reform o anumang katibayan na maaaring ikunsidera ng NIA na sapat na sa ilalim ng batas.