NFT – Higit 46M doses na ng COVID-19 vax, naiturok sa buong PH mula Oct. 2

Pumapalo na sa 46,251,087 doses ng COVID-19 vaccines ang kabuoang naibabakuna sa buong bansa mula October 2.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, na batay sa datos ng National Vaccination Operations Center lumalabas na mula sa naturang bilang, 24,513,343 dito ang first doses, habang 21,737,744 ang second doses.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa gitna nito, hinimok naman ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe ang gobyerno na iprayuridad ang pagbabakuna sa mga senior citizens (A2 priority group) at ang mga taong may comorbidities (A3 priority group).

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Paliwanag ni Abeyasinghe, bagama’t ang bilang sa mga kaso ay bumababa, malaki parin umano ang populasyon ng mga elderly at comorbid people na kailangang maprotektahan. //MHEL PACIA-TRINIDAD