Inihayag ng OCTA Research Group na patuloy na bumababa ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila sa mga rehiyon sa loob ng NCR Plus 8.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, bumagal ang produksyon sa National Capital Region sa 0.83 simula noong October 2, 2021 mula sa 0.98 noong nakaraang linggo na may 16% na positivity rate.
Sa kabila nito, sinabi rin ng OCTA na ang pinakamataas na reproduction number ay naitala sa Davao City sa 0.89, sinundan ng Pampanga at Rizal sa parehong 0.85, at sa NCR sa 0.83.

Sinundan naman ito ng Batangas sa 0.74, Bulacan sa 0.70, Laguna sa 0.68, Cebu City sa 0.66, at Cavite sa 0.63. //MHEL PACIA-TRINIDAD