Tumaas na suplay ng COVID vax: Govt, kampanteng mababakunahan na ang mga bata

Kampante ang pamahalaan na mababakunahan na nila ang mga kabataan na may edad 12-taong gulang hanggang 17-taong gulang.

Ito ay sa gitna ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa para sa pilot implementation na pasisimulan sa Metro Manila.

Ayon kay NTF Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., nais ng gobyerno na mabuksan ang mga paaralan, at sa pamamagitan umano ng pagbabakuna sa mga kabataan ay kaya itong masustain.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nabatid na ang COVID-19 vaccine supply ng bansa ay nasa 77,410,640 doses, matapos na dumating ang 1,813,500 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na bigay ng gobyerno ng US sa pamamagitan ng COVAX facility.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Dagdag ni Galvez, ang target population ng 12- 17 taong gulang ay nasa 12.7 million, kung saan ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines ang gagamitin para sa kanila, dahil ang naturang mga brands ang nabigyan na ng emergency use authorization para sa naturang age group ng Food and Drug Administration. //MHEL PACIA-TRINIDAD