Bayan ng Bulusan nagpatupad na rin ng weekend lockdown; pagpasyal sa mga resort pansamantalang ipinagbawal

SORSOGON CITY – Maghigpit ng ipinagbabawal simula ngayong linggo ang pagtungo o pagpasyal ng mga turista sa mga resort at iba pang pasyalan sa bayan ng Bulusan Sorsogon tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Ito ay makaraang ikasa ng lokal na gobyerno ng Bulusan ang E.O NO 32- Series of 2021 o ‘An Order Providing Guidelines in Managing and Strengthening further the Local Covid 19 Response in the Municipality of Bulusan and for other Purposes.’

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ilalim ng naturang kautusan ay isinaprayoridad ang pagkontrol ng mga dayuhang tumutungo sa lugar na posibleng carrier ng Covid 19 kung saan lahat ng indibidwal mula sa labas ng bayan ay bawal muna tumungo sa Bulusan tuwing weekends.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Samantala, ang mga residente naman ng bayan ay hindi pinapayagang lumabas ng kanilang mga tahanan tuwing weekends maliban na lamang sa mga essential workers at frontliner.

Babala ng lokal na gobyerno ng Bulusan na sino mang mahuli sa paglabag ng naturang E.O ay mananagot sa batas.