12 LGU sa rehiyon, magiging katuwang ng DENR Region 2 sa land titling

Magiging katuwang na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 ang 12 na Local Government Unit sa rehiyon sa kanilang mga aktibidad may kaugnayan sa pagpapatitulo ng lupa.

Ito ay sa bisa ng Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) na pinirmahan ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at local chief executives ng Ivana, Batanes; Baggao, Buguey, Lal-lo, Sanchez Mira and Solana in Cagayan; Cordon, Reina Mercedes at Tumauini sa Isabela; at Bayombong, Solano at Villaverde sa Nueva Vizcaya.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay DENR Ass. RD Marcos Dacanay, ang nasabing partnership ay magiging daan sa mga aktibidad ng ahensya na pagpapatitulo ng lupa sa nasasakupan ng mga nabanggit na LGU.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, inaasahang magbibigay ang mga LGU ng administrative at logistic support sa implementasyon ng mga aktibidad ng DENR.

Inihayag naman ni RD Bambalan na hindi lamang ang pagpapabilis ng proseso ng pagtitulo kundi upang matugunan din ang land dispute sa mga nasasakupan ng LGU.

Image: