CAMARINES NORTE – Muli na namang nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon
Sa tala ng DOH Bicol, nadagdagan ng 47 bagong kaso mula sa mga bayan ng Daet na may 13, pumangalawa ang bayan ng Talisay na nakapagtala ng 11, habang may 6 ang mula sa Basud
5 ang naitala mula sa Labo, 4 mula sa Jose Panganiban, tig-3 kaso ang bayan ng Paracale at Vinzons at 2 ang mula sa Mercedes
Bunsod nito, pumalo na sa 2,698 ang mga tinamaan ng virus sa lalawigan simula ng maranasan ang pandemya
Mula sa bilang na ito, nasa 977 ang aktibong kaso
Habang nadagdagan ng 13 pasyente na gumaling sa sakit kung kayat umakyat sa Nananatli sa 1,628 ang total recoveries at nananatili naman sa 93 ang total death toll
Sa Camarines Norte, ang bayan ng Daet pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19 sa pinakahuling ulat ng Daet IMT as of September 30, 2021 umaaabot na sa 906 ang naitatalang kaso kung saan 190 rito ay aktibong kaso
Habang ang Camarines Norte sa ngayon ay kabilang sa isinailalim sa General Community quarantine simula kahapon kung saan ipapatupad ang mas mahigpit na restrictions sa lalawigan
