Showdown sa pagitan ng magkapatid na sina Kiefer at Thirdy, ipepresenta ng Japan B.League

Magtatapat ang magkapatid na sina Kiefer at Thirdy Ravena sa pinakahihintay na showdown ng Filipino cagers sa 2021-2022 Japan B. League season.

Idadaos ang laro sa pagitan ng Shiga Lakestars ni Kiefer at San-En NeoPhoenix ni Thirdy ngayong araw (October 2), mamayang 4:05 p.m. at bukas (October 3), ng 1:35 p.m.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Ito ang unang pagkakataon na maghaharap sa hard court ang magkapatid, na parehong galing sa Ateneo Blue Eagles ng UAAP.

Bukod kina Kiefer at Thirdy ay nakatakda rin ang unang beses na pagsali ng iba pang Filipino cagers sa mga laro ng Japan B. League kabilang na si Kobe Paras na aaksyon sa laro ng Niigata Albirex BB at Kyoto Hannaryz.

Read More:  PLDT dominates ZUS Coffee for back-to-back PVL wins

Maglalaro naman si Javi Gomez de Liaño para sa Ibaraki Robots na makakatapat ang Akita Northern Happinets.

Parehong gaganapin ang mga laro nina Para sa de Liaño ngayong araw, mamayang 1:05 p.m.