Ibinunyag ni celebrity doctor Vicki Belo na lumabag sa patakaran ang dalawang kandidata ng Miss Universe Philippines 2021.
Sa Instagram story ni Belo ay sinabi niya, “Naku, I have chismis for you. Two candidates broke the rules kanina and had their makeup done somewhere else,”
Iginiit ni Belo na hindi niya maaring tukuyin kung sino ang dalawang kandidata.

Inihayag niya na nais niya lamang iparating sa lahat na hindi maganda ang pagsuway sa mga patakaran.
Mababatid na isa si Vicki sa mga nagsilbing hurado sa prestihiyosong pageant noong Huwebes ng gabi sa Hennan Resort sa Panglao, Bohol.
Matatandaan na nakoronahan bilang Miss Universe Philippines 2021 ang LGBTQIA+ member na si Beatrice Luigi Gomez.