Nagbabala ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na dumarami ang bilang ng severe at critical cases ng COVID-19 sa mga medical facilities sa bansa.
Sinabi ni PHAPi president Jose Rene de Grano na maaring ma-overwhelm lalo ang mga ospital sa bansa.

Sa ilalim ng depinisyon ng DOH ay kinokonsidera ang mga pasyente bilang severe cases kung meron silang clinical signs ng severe pneumonia o severe acute respiratory infections.
Tinutukoy naman na critical cases ang mga pasyente na nakararanas na ng respiratory failure, end-organ damage, o septic shock.