2.5-million Sinovac COVID-19 vaccine doses, dumating sa Pilipinas

Tinatayang nasa 2.5-million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno ang dumating sa Maynila nitong Biyernes.

Sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na lumapag ang eroplano na lulan ng vaccine shipment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 bandang 5:55 p.m. sa pamamagitan ng flight PR359.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.,  magiging pantay-pantay ang distribusyon ng mga bakuna sa lahat ng rehiyon, lalo na sa mga konti pa lang ang natatanggap na bakuna.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Hinimok naman ni Galvez ang publiko na magpabakuna na.

Tiniyak ng opisyal na ligtas ang pagpapabakuna at makakatulong pa ito upang lalong mabuksan ang ekonomiya ng bansa.

Una nang dumating sa bansa sa parehong araw ang 883,350 Pfizer doses.