Pilipinas, nagtala ng 15,566 na bagong kaso ng COVID-19

Naiulat ng Department of Health ang 15,566 na bagong kaso ng COVID-19 na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa mahigit 2.56-million.

Sinabi ng DOH na hindi kasama sa tally ang datos ng limang laboratory na hindi naipasa sa itinakdang oras.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon sa DOH, bumaba na ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa sa 130,268, na pinakamababang naitala simula pa noong August 23.

Kasama sa bilang ang 77.9% na mild, 15% na asymptomatic, 2.1% na severe, at 0.9% na critical condition.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, tumaas naman ang total recoveries sa mahgiit 2.39-million kabilang na ang 23,483 na bagong gumaling mula sa sakit.

Pumalo naman ang death toll sa 38,493 matapos ito madagdagan ng 199 na fatalities.