Isolation facility sa Koronadal, binaha; 23 healthcare workers na naka-quarantine, inilikas

KORONADAL CITY — HINDI nakaligtas sa pagbaha ang nasa 20 mga health care workers na naka-quarantine sa isang isolation facility sa lungsod ng Koronadal.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Officer Cyrus Jose Urbano, kinumperma nito na pinasok ng tubig-baha ang Anawim Isolation Facility na makikita sa Purok Crismos sa Barangay Saravia ng lungsod matapos ang malakas na buhos ng ulan kahapon ng hapon.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kinabibilangan umano ng mga nurses at mga midwives ang mga binahang mga healthcare workers na agad inilipat sa Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Maliban sa nabanggit na isolation facility, binaha din ang mga kabahayan sa nasabing barangay kung saan tatlong bahay ang nasira dahil sa flashfloods.

Linggo ng gabi ng unang nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang barangay sa Koronadal dahil sa malakas na buhos ng ulan.