COVID-19 patients na uminom ng Virgin Coconut Oil mas mabilis gumaling – DOST

Kinumpirma ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute na natapos na ang kanilang pag-aaral kaugnay sa paggamit ng virgin coconut oil bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay DOST-FNRI Director Dr. Imelda Agdeppa ang resulta ng pag-aaral ay nailathala na sa isang international journal.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sinabi ni Agdeppa na lumalabas na maaring maging adjunct therapy para sa COVID-19 patients ang VCO.

Batay sa naturang pag-aaral naka-rekober mula sa sintomas ng COVID-19 ang mga pasyente uminom ng VCO sa loob lamang dalawang araw kumpara sa lima hanggang anim na araw sa mga hindi uminom nito.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Nabatid na isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpainom ng VCO sa mga suspected at probable cases ng COVID-19 na naka-quarantine sa isang center o hospital.