Umatras na umano si Pharmally Pharmaceutical director Linconn Ong sa ‘tell all’ na inalok ng senate blue ribbon committee.
Ito umano ay matapos payuhan si Ong ng kanyang kinuhang counsel sa katauhan ni Atty. Ferdinand Topacio.
Ayon kay Topacio hindi makikipagtulungan ang kanyang kliyente sa isinasagawang pagdinig ng senado kaugnay sa pagbili ng gobyerno ng mga PPEs sa kumpanyang Pharmally.
Iginiit ni Topacio na hindi nagiging patas ang senado bagkus ay nagiging ‘kangaroo forum’ na umano ito.
Dagdag pa ng abogado ilan sa mga senador ay wala naman talagang balak na malaman ang katotohanan at hindi niya hahayaang maging sacrificial lamb ang kanyang kliyente.
Nabatid na kasalukuyang nasa kustodiya ng senado si Ong matapos itong i-cite in contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa mga senador.
