AFP at PNP, tutulong sa mga medical facilities sa gitna ng pandemya

Parehong nangako ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na ide-deploy ng mga ito ang kanilang mga tauhan para tumulong sa healthcare system ng bansa.

Ito ay matapos i-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapulisan at militar na mag-deploy ng mga miyembro ng medical corps nito sa gitna ng tumataas na bilang ng healthcare workers na nagpopositibo sa COVID-19.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sinabi ng AFP na ide-deploy nito ang limang medical teams nito upang mapalakas ang health system capability ng mga ospital sa Metro Manila.

Kabilang na rito ang dalawang pangkat mula sa Philippine Army, at tig-isa mula sa AFP Health Services Command, Philippine Navy, at Philippine Air Force.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Para naman sa bahagi ng pulisya, ay nangako si PNP chief Police General Guillermo Eleazar na tutulong ang Medical Reserve Force ng organisasyon para sa augmentation ng parehong public at private medical facilities, na nasa full capacity na at nagkukulang sa medical personnel.