AFP, PNP medics, pinade-deploy sa gitna ng dumaraming nagpopositibong health workers

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng mga miyembro ng medical corps nito dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa hanay ng health workers.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa ikalawang public address ng Pangulo kagabi, ay sinabi niya  na nagkakasakit muli ang maraming health workers na dahil sa COVID-19, habang siksikan na ang mga tao sa ospital.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ipinunto ng Pangulo na ang medical corps ng AFP at PNP ay ang nakikita niyang madaling asahan sa panahon ngayon.

Inihayag naman ni Defense Secretary Felfin Lorenzana na inutos na niya ang deployment ng ilang nurses sa St. Luke’s Medical Center.