BICOL—Patuloy pang tumataas ang bilang ng mga nag eenroll sa mga pampubliko an pribadong eskwelahan sa Bicol region mula kindergarten hanggang senior high school.
Ito ay kasabay na rin ng pagpapalawig sa enrollment period hanggang sa Setyembre 30.
Base sa pinahauling Quick Count enrollment ng Department of Education (DepEd) Bicol, umaabot na sa 1,842,557 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nag enroll.
Sa mga public schools ay umabot sa 1,748,409 ang mga enrollees, 91,927 sa private schools, 2,221 sa mga Local at State Universities and Colleges (LUC/SUC) na may elementary at high school department at 14,540 sa Alternative Learning School (ALS).
May pinakamaraming enrollees ang elementary na umabot na sa 797, 478; sumunod ang junior high school na may 569, 482; senior high school na may 291, 348; kindergarten na may 180, 504 at non graded na may 3,745 na bilang ng mga nag enroll.
Mababatid na una nang sinabi ng DepEd na nalagpasan na ng bilang ng mga enrollees ngayon ang kanilang target kumpara sa mga nagpatala noong nakaraang school year.### || slm