Online voters registration sa bayan ng San Andres, Catanduanes naging matagumpay ayon sa COMELEC

BNFM BICOL—Inihayag ni Amelia Arizabal – Election Officer III sa lalawigan ng Catanduanes na naging matagumpay ang kanilang pagsasagawa ng online voter registration sa buong mga barangay sa bayan ng San Andres.

Ayon kay Arizabal, nasa 99% o katumbas ng 27,883 na mga indibidwal ang mga bagong botante ngayon sa nasabing bayan batay sakanilang pinakahuling datus nitong July 2021.

Kabilang umano sa mga bagong rehistradong botante ng bayan ang mga Persons with Disability (PWD) at mga mga Persons Deprived of Liberty o mga PDL.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Patuloy naman ang paghikayat ng opisyal sa mga residente ng nasabing bayan na magpa rehistro na dahil hanggang ngayong katapusan na lamang ng Setyembre ang voter’s registration.

Bukas ang kanilang satellite office sa loob mismo ng munisipyo, mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Office of the Provincial Election Supervisor ng COMELEC-Catanduanes na pormal na silang tatanggap ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA)   ng mga kakandito bilang Gobernador; House of Representatives: Vice Governor at Sangguniang Panlalawigan member ngayong 2022 national and local election sa darating na October 1 hangang October 8.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Gaganapin ito sa ground floor lobby ng Catanduanes Provincial Capitol Building mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon kabilang ang mga araw ng Sabado at Linggo.###