Office of the Mayor sa bayan ng Mercedes pansamantalang isinara sa publiko nitong Miyerkules matapos magpositibo sa Antigen test ang isa nitong empleado

CAMARINES NORTE- Pansamantalang isinara sa publiko ang Tanggapan ng Alkalde sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte makaraang magpositibo sa Rapid Antigen test ang isa nitong empleado.

Batay sa Office Order No 269- 2021 na pirmado ni Municipal Administrator Elmer Nagera, mananatiling sarado ang Mayor’s Office epektibo simula Miyerkules, September 8 until further notice.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kasunod na rin ito ng rekomendasyon ng Municipal Health Office upang bigyang daan ang full disinfection sa naturang opisina.

Lahat din ng mga na- identify na close contact na nagtatrabaho sa Mayor’s Office ay isasailalim sa quarantine procedure at self- monitoring.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Kung maalala, wala pang isang Linggo ng pansamantala ring isara sa publiko ang buong munisipyo makaraang magpositibo sa COVID- 19 ang isa nitong empleado.

Maliban sa Office Order, wala pang opisyal na pahayag si Mayor Dante Morales o ang Lokal na Pamahalaan ukol dito.