CAMARINES NORTE- Pansamantalang isinara sa publiko ang munisipyo ng Mercedes, Camarines Norte simula nitong Biyernes matapos magpositibo sa COVID- 19 ang isa nitong empleado.
Batay sa ipinalabas na office order ng Alkalde, mananatiling sarado ang lahat ng opisina sa loob ng munisipyo kasama na ang mga national agencies until further notice.
Ito ay upang bigyang daan ang full disinfection sa buong Municipal Hall batay na rin sa rekomedasyon ng Municipal Health Office.



Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ay tatlong panibagong kaso ang naitala sa naturang bayan at isa nga dito ay empleado ng munisipyo na may local code na Bicol No 25662.
Nitong Biyernes ay nakapagtala ang lalawigan ng Camarines Norte ng 79 na kaso ng COVID- 19 sa loob lang ng isang araw na pinakamataas mula ng tumama ang pandemya.
Nalagpasan nito ang 68 na naitala noong August 30, 2021.
(FILE PHOTO)
