Pagpapatupad ng granular lockdown, suportado ng Pampanga Provincial Government

Suportado ni Pampanga Provincial Governor Dennis “Delta” Pineda, ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga munisipyo at syudad sa lalawigan na may mataas na kaso ng Covid-19.

Ayon sa Gobernador, ibibigay nya ang karapatan sa mga Local Government Units o LGU sa pagpapatupad ng mas mahigpit na restriction sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kaugnay nito nilinaw ni Pineda na hindi na nya pahihintulutan pa ang pagpapatupad ng total lockdown sa lalawigan dahil matindi na ang nagiging epekto ng pandemya sa ekonomiya ng Pampanga.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, hinimok rin ng Gobernador ang mga LGU na magsagawa ng house-to-house contact tracing at antigen testing para agad ma-isolate ang mga positive individuals.