Basud target na matanggal na sa “Red Zone” category sa ASF

CAMARINES NORTE- Target ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte na matanggal na ito  sa “ red zone” category sa zoning map ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino, huling nakapagtala ng kaso ng ASF  sa naturang bayan noong Enero ng taong kasalukuyan.

Kapag nasa ng “red zone” category daw kasi ang isang lugar ay walang free insurance na ibinibigay sa mga mambababoy ang Philippine Crop Insurance Corporation

May free premium umanong ibinibigay ang PCIC sa mga nasa ilalim ng “pink zone” category.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Lusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang ASF Prevention and Control and Swine Depopulation, Recovery, Rehabilitation and Repopulation Ordinance sa naturang bayan.

Naglalaman ito ng mga patakaran at polisiya sa mga nag- aalaga ng baboy para makontrol ang pagkalat ng ASF.

Kailangan din ang ordinansa para sa pagkakaloob ng tulong sa LGU ng Department of Agriculture na tinmaan ng ASF.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Sa ilalim din ng ordinansa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at pagbebenta ng buhay na baboy, genetic materials, fresh, chilled, frozen pork products na infected ng infectious diseases galling sa ibang lugar.

Kung magkaroon ng kaso ng ASF o iba pang infectious disease maging suspect pa lang o kumpirmado ay hindi pinapayagan ang pagbiyahe ng buhay na hayop, pagbebenta at pagkatay sa loob ng 500 meter radius mula sa ground zero.

Kung ang suspect ay mag negatibo sa laboratory test ay awtomatikong “lifted” ang probisyong ito ng ordinansa.