CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga otoridad ang isang 27 anyos na lalake at itinuturing na ika-anim sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Sta.Elena bandang alas 11:00 ng umaga nitong Setyembre 2, 2021 sa Sitio Lobo, Brgy. Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si JERICK SANDOVAL y Oña alias “Imboy”, 27 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Purok 8, Brgy Don Tomas, Sta Elena, Camarines Norte.
Si Sandoval ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court 5th Judicial Region Branch 64, Labo, Camarines Norte sa kasong Sexual Assault in Relation to R.A. 7610 at piyansang Dalawang Daang Libong Piso (Php 200,000) at kasong Rape in Relation to R.A. 7610 na walang rekomendadong piyansa at pawang may petsang December 14, 2018.
Si Sandoval ay akusado sa panggagahasa sa isang 14 anyos na dalagita na naganap noong January 15, 2018 sa Sitio Dawahan, Brgy. Don Tomas, Sta.Elena, Camarines Norte.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta.Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.
