Ilang lugar sa Spain nalubog sa baha matapos salantain ng bagyo

Lubog sa baha ang ilang bahagi ng Spain dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na dala ng bagyo.

Kaugnay nito ay libu-libong pamilya ang nawalan ng suplay ng kuryente habang maraming kalsada ang hindi madaanan ng mga sasakyan.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Pinakamatinding sinalanta ng bagyo ang mga coastal town sa north-eastern region ng Catalonia gayundin ang ilang bahagi ng central Spain malapit sa Madrid.

Ayon sa mga report, maraming sasakyan din ang inanod ng flashflood habang nagbagsakan ang ilang puno, poste at ilan pang imprastraktura.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Ilang oras ding nagmistulang lawa ang ilang mga kalsada dahil sa taas at lakas ng agos ng tubig.