New York isinailalim sa state of emergency dahil sa malawakang pagbaha

Libu-libong pasahero ang stranded sa ilang tren sa New York Penn station kasunod ng pagragasa ng baha.

Ayon sa Metropolitan Transportation Authority, umabot sa 46 locations ang binaha sa kanilang subway system, 65 buses ang stuck at dalawang Metro North Line trains ang stranded.

Kinumpirma ng New York Cktiy Fire Department na nakapag-rescue na sila ng daan-daang tao mula sa subway stations.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Marami naman sa mga stranded na pasahero ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya dahil sa kakulangan ng impormasyon hinggil sa hindi inasahang pagbaha.

Inireklamo din ng mga stranded na pasahero ang mabagal na pagkilos ng mga otoridad dahil anila ay inabot sila ng ilang oras nang walang rescue at walang power supply sa mga subway stations.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Aminado naman si New York Governor Kathy Hochul na na-paralyzed ang kanilang lugar dahil sa insidenteng hindi pa nila naranasan sa kasaysayan.

Sa ngayon isinailalim na sa state of emergency ang New York dahil sa malawakang pagbaha.