Ilang senador, kinwestyon ang pakikipagtransaksyon ng gobyerno sa isang negosyante na wanted sa Taiwan

Ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na wanted sa Taiwan para sa mga financial crimes ang mga opisyal ng Pharmally International Holding Company at ang isang business associate ni Michael Yang, na dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo duterte.

Inihayag ito ng senadora kasabay ng mga kontorbersya na bumabalot sa subsidiary ng nasabing kompanya na Pharmally Pharmaceutical Corp. sa Pilipinas matapos nitong mapanalunan ang P8.68-billion na halaga ng kontrata sa gobyerno para sa pandemic response.

Kinwestyon ni Hontiveros kung bakit nakikipagtransaksyon ang gobyerno sa mga pugante.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Mababatid na Natalo ng Pharmally ang iba pang mas kilalang mga kompanya kahit noong September 2019 lang naging incorporated ang Pharmally na may capital na P625,000.

Sa presentation ni Hontiveros na may news clippings at entries mula sa Ministry of Justice website ng Taiwan ay makikita na wanted sa naturang bansa ang chairman ng holding company na si Huang Wen Lie, na kilala rin bilang Tony Huwang dahil sa fraud, embezzlement, at stock manipulation.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Si Huang ay isa sa mga executives ng Pharmally na nakipagkita kay Pangulong Duterte noong 2017, base sa isang video na naipost ng state media.

Ang anak naman nito na si Huang Tzu Yen, na incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp at Pharmally Biological Inc. ay wanted rin sa Taiwan dahil sa stock manipulation.

Makikita sa presentation ng senadora na may kopya ng warrant of arrest para kay Huang na kinuha sa parehong website ng justice ministry.