BICOL—Pumalo na sa kabuuang 109 na kaso ng iba’t-ibang variants ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region matapos itong madagdagan ng 71 panibagong mga kaso ngayong buwan ng Agosto.
Base sa resulta ng genomic sequencing na natanggap ng Bicol Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) mula sa Philippine Genome Center (PGC) nitong August 23 at 27, sa 71 bagong kaso ng variants of concern, 15 ang Alpha variant, 33 ang Beta at 23 ang Delta variants.
Ang 15 Alpha variants na ito o ang variant na unang na detect sa United Kingdom ay naitala sa Camarines Sur na mayroong lima, lima rin sa Catanduanes, dalawa sa Sorsogon at tig-iisa ang Masbate, Tabaco City at Legazpi City.
Ang 33 kaso naman ng Beta variants o ang COVID-19 strain na unang nadetect sa South Africa ay naitala sa Catanduanes na mayroon anim, lima sa Camarines Norte, apat sa Masbate, tatlo sa Albay, Sorsogon at Camarines Sur, tigdadalawa ang Legazpi City, Tabaco City, Naga City at Masbate City at isa sa Sorsogon City. Ang 23 kaso ng Delta variant o ang strain na unang nadetect sa India ay naitala sa Camarines Sur na mayroong pito, anim sa Albay, apat sa Naga City, tatlo sa Masbate City, dalawa sa Masbate province at isa sa Sorsogon.
Mababatid na bago ito, 38 na mga kaso ng VOC ang unang naitala nitong Hulyo 21 sa rehiyon. Ayon sa DOH, parehong mas nakakahawa ang Beta at Delta variants.
Pinakamabisa pa rin umanong panlaban dito ay ang pagsunod sa minimum public health standards, pagpapabakuna at maigting na implementasyon ng BIDA Solusyon plus ng mga local na pamahalaan at pagpapabili sa vaccination rollout.
Mababatid na patuloy ang pagtaas ngayon ng kaso ng coronavirus sa Bicol kung saan nitong Sabado ay naitala ang record high na 352 kaso sa isang araw para sa buwan ng Agosto.### || slm