BICOL—Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bicol region na ngayon ay pumapalo na sa 25,056. 70 ang bagong kasong nadagdag kahapon kung saan pinakamarami ang nadagdag sa Masbate na umaabot sa 30.
Siyam sa mga kasong iyo ay mula sa bayan ng Mandaon, anim sa bayan ng Uson, apat sa bayan ng Cataingan, tatlo sa Dimasalang, tigdalawa ang Esperanza at Masbate City at tig-iisa ang mga bayan ng Balud, Milagros, Mobo at Palanas.
26 na bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Sur kung saan pito nito ay mula sa Naga City, apat sa bayan ng Caramoan, tatlo sa bayan ng Calabanga, tigdadalawa ang mga bayan ng Pili, San Jose at Tinambac at tig-iisa ang bayan ng Buhi, Canaman, Libmanan, Pasacao, Ragay at Tigaon.
Ang Albay ay may 13 bagong kaso kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Tiwi, tatlo sa bayan ng Pio Duran, dalawa sa Manito at tig-isa ang Bacacay at lungsod ng Ligao.
Isang kaso ang naitala sa Camarines Norte n amula sa bayan ng Sta. Elena habang zero new cases ang Catanduanes at Sorsogon.
Sa ngayon ay nasa 4,124 (16.46%) pa ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon habang pumalo na sa 19,990 (79.78%) ang total recoveries matapos madagdagan ng 85 na panibagong gumaling.
50 nito ay mua sa Camarines Norte, 27 sa Sorsogon at walo sa Catanduanes.
Samantala, pumalo na rin sa 942 (3.76%) ang death toll matapos madagdagan ng dalawang panibagong nasawi na kapwa mula sa lalawigan ng Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm