Bilang ng mga naitalang Beta variant sa Camarines Norte umabot na sa 5

CAMARINES NORTE- Aabot na sa limang kaso ng Beta COVID- 19 variant ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito inihayag ng Department of Health sa isinagawang Press Conference nitong Lunes sa pangunguna ni Regional Director Ernie Vera.

Ang naturang COVID- 19 variant ay unang natuklasan South Africa noong May 2020.

Unang iniulat ang pagkakaroon nito sa lalawigan ng Camarines Norte noong Hulyo.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang mga naitalang kaso ng Beta variant sa lalawigan ay nagmula sa mga bayan ng Jose Panganiban na mayroong dalawa, habang tig- iisang kaso naman sa Daet, San Vicente at Sta Elena.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Isa ito sa tinitingnang dahilan ng pagsipa ng mataas na kaso ng COVID- 19  sa lalawigan

Maliban dito, wala nang iba pang variant ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte sa ngayon.

Pero sa buong Bicol, nasa 15 ang mga kaso ng UK o Alpha variant, 33 ay Beta habang 23 naman ay local cases ng Indian o ng Delta variant.

Patuloy naman ang paalala ng Department of Health at Provincial Health Office sa publiko na sersyosohin at sundin ang minimum health standards gayundin ang mga ibinababang Executive Order.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa harap na rin yan ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso at sa dami na rin ng bilang ng mga namatay dahil sa sakit.

Sa ngayon pumapangatlo ang Camarines Norte sa may pinakamaraming active cases sa buong rehiyon na mayroong 390.

Sa katunayan, umabot pa nga sa mahigit 400 ang naitalang aktibong kaso noong weekend.

Nabawasan ito makaraang maitala ang 50 gumaling kahapon na pinakamarami naman sa rehiyon kaya’t bumaba ang bilang ng active cases sa 390.