DFA: Walang Pilipino na nasawi sa Kabul airport bombings sa Afghanistan

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang mga Pilipino na nasawi sa dalawang bombing attacks sa labas ng paliparan sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa DFA, ito ay batay sa inisyal na impormasyon mula kay Philippine Ambassador Daniel Espiritu, na nakabase sa Islamabad, Pakistan.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Mababatid na 13 miyembro ng US service at halos 60 Afghans ang nasawi sa madugong suicide bombings.

Ang pagpapasabog ay kasunod ng paglikas ng US government at iba pang Western countries sa kanilang mga citizens at Afghan allies, matapos ang pagtake over ng Taliban sa bansa.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Una nang naglabas ang DFA ng Alert Level 4, ang pinakamataas na alerto habang isinasagawa ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pilipino sa Afghanistan.

Mula August 25, mayroon nang 185 Filipinos na nailikas habang may 24 pa na nananatili sa naturang bansa. // MHEL PACIA-TRINIDAD