Karamihan sa mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ay nakakaranas lamang umano ng mild or moderate na mga sintomas o asymptomatic lamang.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Leopoldo Vergara, halos 98 percent ng cases ang mild, moderate, at asymptomatic habang ang natitirang 1.86 naman ay nakaranas ng severe na sintomas o naging kritikal.
Aniya, ito ay dahil sa magandang pamamalakad laban sa virus, at sa nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi rin ng opisyal na nasa moderate risk ang healthcare utilization rate sa Metro Manila pero nasa high risk category na ang intensive care units na nasa 73 percent.
Hinikayat naman ni Vega na magpabakuna na ang mga Pilipino lalo ngayong napatunayan na na epektibo ang bakuna upang maiwasan na ang pagkakaospital o di kaya’y kamatayan ng mga pasyenteng apektado ng nasabing virus.