Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na may utang pa ang kanilang tanggapan ng nasa higit P86 bilyon sa mga ospital mula ng magsimula ang pandemiya.
Ayon kay PhilHealth vice president for corporate affairs Shirley Domingo, hindi P86 billion, kundi P12.9 billion na lamang ang hindi pa nababayaran ng kanilang ahensya sa mga ospital, at nasa iba’t-ibang stage na ito ng pagpoproseso.

Hindi nagbigay ng estimated turnaround time si Domingo para sa processing, pero binigyang diiin imposibleng maabot nila ang “zero-zero claims processing status dahil nakakapagtala sila ng nasa 1 million claims kada buwan.
Matatandaan na sinabihan ni President Rodrigo Duterte ang PhilHealth na ayusin ang utang nito sa mga ospital sa lalong madaling panahon.