Pagtaas ng insidenteng pamemerwisyo ng ulmog sa mga palay, naitala sa 4 na bayan sa Isabela

Naitala sa apat na bayan ng lalawigan ng Isabela ang bahagyang pagtaas ng insidente ng mga pananim na palay na napeperwisyo ng brown planthopper o ulmog.

Ito ay batay sa inilabas na ulat ng Plant Pest Surveillance Unit ng Department of Agriculture Region 2.

Ayon sa ahensya, ang mga apektadong bayan ay kinabibilangan ng San Mateo, Alicia, Santiago at Cabatuan, Isabela.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ilan sa mga pinsalang dulot ng ulmog ay ang pagkatuyo ng palay o hopperburn kung saan sinisipsip ng 300 hanggang 400 na brown planthopper ang katas nito.

Nakakapagdala rin umano ito ng virus tulad ng rassy stunt at rugged stunt at nababawasan ng 40-60% ang maaring maani na palay.

Ilan umano na sanhi sa pagdami ng pesteng ulmog ay ang maagang paggamit ng insecticide, sobrang paglabay ng fertilizer at matubig na palayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Hinikayat naman ng ahensya ang mga magsasaka na magtanim ng variety ng palay n amalakas ang resistensya laban sa ulmog tulad ng PSB Rc 34 at PSB Rc 32.

Dagdag pa dito, palipasin muna ang 30-40 na araw ang pananim na palay bago lagyan ng insecticide, magsagawa ng alternate wetting at dry irrigation upang mabawasan ang pagdami ng ulmog.