Arestado ang isang lalaki matapos makipagmatigasan at pinagtaasan pa ng boses habang kinukwestyon ang mga PNP personnel sa Barangay Minante 1 Cauayan City checkpoint kahapon August 17, 2021.
Sa nakuhang ipormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan City, kinilala ang nadakip na si Alfredo Abad Jr., 28 anyos, private employee at residente ng Purok 3 Barangay San Francisco Cauayan City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, habang nagmamando ng daloy ng trapiko at nagsasagawa ng Covid Checkpoint, Oplan Sita sina PEMS Joey Santos, PSSgt. Mark Anthony Ramirez at Patrolman Virgilio Justo Jr. ay naaktuhang nag counterflow si Abad dahilan upang sitahin ito.
Nang bibigyan na umano ni Pat. Justo si Abad ng traffic citation ticket ay pinagtaasan umano nito ng boses ang pulis habang kinukwestiyon kung ano ang nagawa nitong violation.
Maayos naman umano ang pagpapaliwanag ng pulis sa nalabag ni Abad ngunit nakipagmatigasan pa rin ito at hndi nakipag-usap ng maayos dahilan upang arestuhin na ito ng mga naka duty na PNP personnel sa lugar.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station si Abad habang inihahanda ang kasong Resistance and Disobedience Upon an Agent of a Person in Authority laban sa kaniya.