DSWD region 2, pinabibilisan ang repacking ng food packs dahil sa tumataas na covid-19 cases sa rehiyon

Pinabibilisan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang repacking ng mga family food packs na ibibigay na ayuda sa mga lokal na pamahalaan na nakasailalim sa heightened quarantine restriction.

Ayon sa ahensya, ito ay bilang tulong sa mga LGUs na humigpit ang community quarantine dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Kamakailan ay tumulong na rin sa pagre-repack ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Iguig, Penablanca, Tuguegarao City, at ang tanggapan ng Provincial Fire Director.

Binigyang-diin naman ni DSWD Region 2 Regional Director Cezario Joel Espejo na may sapat na suplay ngayon ng FFPs at nakahanda na.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Gayunman, patuloy pa rin umano ang ginagawang pagrerepack dahil sa posibleng pagkakaroon pa ng mas mahigpit na quarantine status sa mga susunod na araw sa mga lugar sa rehiyon.

Ayon pa sa kagawaran, mayroon pang 6, 809 FFPs ang nakaimbak sa warehouse na nagkakahalaga naman ng mahigit 3.3 milyong piso.