Petecio, Paalam, Marcial, naranasan ang malakas na pagyanig sa Tagaytay

Naranasan ng Olympic medalist na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at Eumir Marcial ang pagyanig na idinulot ng 5.7-magnitude na lindol sa Batangas, na dahilan para lumabas sila sa kani-kanilang mga kwarto sa isang hotel sa Tagaytay.

Kasalukuyang naka-quarantine ngayon ang mga nasabing boksingero matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Tokyo.

Read More:  PH Women’s soft tennis team secures historic Asian Games Medal

Sa tweet ni Petecio, ay makikita ang litrato ng kaniyang selfie, kung saan ay nasa background nito ang kapwa niya silver medalist na si Paalam at ang bronze medalist na si Marcial.

Read More:  Philippines opens Asian Games campaign with two bronze medals

Sinabi ni Nesthy sa kaniyang caption, “Lakas! Labasan kami lahat”.

Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol sa Calatagan, Batangas kagabi bandang alas-11:08 ng gabi.

Inihayag ng PHIVOLCS na nagsisilbi ito bilang aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Calatagan noong July 24.