Magnitude 5.7 na lindol, tumama sa Batangas

Tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa probinsya ng Batangas pasado alas-11 kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, maituturing ito bilang aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa parehong lugar noong July 24.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sinabi ng ahensya na tectonic ang origin ng lindol na naitala sa layong 15 kilometers timog-kanluran ng Calatagan at may lalim na 113 kilometers.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Naramdaman naman ang Intensity 4 na pagyanig sa Puerto Galera, Oriental Mindoro habang Inensity 3 naman ang nairehistro sa Pasig City, Quezon City, at Obando Bulacan.

Sa ngayon ay sinabi ng PHIVOLCS na wala itong inaasahang pinsala mula sa lindol.