Mahigit 40 benepisyaryo mula sa hanay ng Indigenous People sa Camarines Norte nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

CAMARINES NORTE- Aabot sa apatnaput isang benepisyaryo mula sa hanay ng Indigenous People (IP) na nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) sa Camarines Norte ang nakatanggap ng suportang pinansyal kamakailan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ilalim ito ng Modified Conditional Cash Transfer Program (MCCT).

Ang MCCT ay isang programa na idenesenyo para sa mga mahihirap na pamilya at ang nasa tinatawag na vulnerable and disadvantaged pero hindi kasama sa  Regular Conditional Cash Transfer (CCT) kasama na ang mga kabilang sa IP community.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Isa itong suportang pinansyal na maaaring gamitin sa mga proyektong pangkomunidad (Cash for Building Livelihood Asset o CBLA) o kaya anumang pagkakakitaan ng komunidad/pamayanang katutubo.

May kaakibat itong  mga kondisyon o responsibilidad ng pamilya na kabilang sa MCCT.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang mga nakatanggap ng cash grant ay ang IP community mula sa Labo at Jose Panganiban.

Ayon sa DSWD nasa Php179,490.00 ang kabuuang halaga na ipinamahagi sa nabanggit na bilang ng mga benepisyaryo.

(photo courtesy: DSWD)