Daan-daang residente sa Greek island lumikas dahil sa wildfire

Napilitang lumikas ang daan-daang tao sa Greek island ng Evia dahil sa wildfires.

Ayon sa report, lumikas ang mga residente ng Evia gamit ang mga bangka kasunod ng mabilis na pagkalat ng wildfire na sumira na sa maraming kabahayan.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Sa ngayon ay pansamantalang nakatigil ang mga evacuee sa mga evacuation center na itinalaga ng gobyerno sa hilagang bahagi ng Athens.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Nababahala na din ang mga otoridad na posibleng kumalat ang apoy sa labas ng Athens.

Matatandaan na maliban sa wildfire sa Greece ay naitala din ang wildfire sa ilang bahagi ng Canada dahil sa heatwave.