LGU Castilla tumatanggap ng donasyon para sa kanilang ‘Yapak at Tiyan’ Charity event

SORSOGON CITY – Bukas ang opisina ng Castilla Tourism Office para tumanggap ng donasyon para sa kanilang isinasagawang Yapak at Tiyan Charity event para sa mga kabataan na may edad 5 hanggang 10 taong gulang.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News FM sa LGU Castilla Public Information Office, isinasagawa ng LGU ang nasabing Charity Event sa pamamagitan ng pamimigay ng aabot sa 100 bagong tsinelas para sa mga mahihirap na kabataan sa mga piling barangay.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Kasabay nito ay tatanggap rin ng Pizza ang mga benepisyaryo ng nasabing aktibidad.

Una nang naging benepisyaryo ng nasabing proyekto ang mga Barangay ng Cumadcad at San Isidro ng nasabing bayan.