Bayan ng Gubat at Casiguran, may pinakamataas na kaso ng malnutrisyon ngayong taon

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Provincial Nutrition Council (PNC) Sorsogon na batay  sa pinakahuling monitoring ng kanilang hanay sa bawat bayan sa lalawigan, ang mga bayan ng Gubat at Casiguran ang nanguna sa may mataas na kaso ng malnourished na mga kabataan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon sa Provincial Nutritionist na si Grace Jardin,  sinabi nito na 5.10% o humigit kumulang 800 na mga kabataan sa mga nabanggit na bayan ang kabilang pa rin sa mga wasted at severely wasted.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Paliwanag ng opisyal, hindi naman nito ibig sabihin na nagkaroon ng kapabayaan ang LGU kundi sadyang malaki lamang ang ibinaba ng kaso ng malnutrisyon sa maraming bayan kung kaya’t nahila nito ang ranking ng dalawang bayan na kakaunti lamang ang naalis sa pagiging malnourished sa kabila ng mga ikinasa nilang programa.