KORONADAL CITY – BINUKSAN na ang online scholarship application para sa scholarship programs ng Overseas Workers Welfare Admininistration.
Ang online application ay para sa Education for Development Scholarship Program at Congressional Migrant Workers Scholarship Program sa mga incoming first year college students sa school year 2025-2026.
Kwalipikado sa EDSP ang anak o kapatid ng active OWWA member, single, graduating Grade 12 student, hindi lalagpas sa 21 anyos, may general weighted average na 80% pataas at walang bagsak na grado.
Samantala, ang CMWSP ay bukas naman sa mga dependents ng OFW o mismo ang OFW.
Ang annual income ng pamilya ay hindi dapat lalagpas sa US $ 2,400, may GWA na hindi bababa sa 85%, walang failing grade at handang mag-enroll sa mga kurso na may kaugnayan sa science and technology. Ang mga EDSP at CMWSP scholars ay makakatanggap ng maximum P 60,000 na financial assistance kada taon.
Para sa online application maglog-on sa https://scholarship.owwa.gov.ph/.
