Pagsantabi sa politika, panawagan ng alkalde ng Milaor sa pamimigay ayuda

CAMARINES SUR- Naayudahan na ang 9,948 na pamilyang apektado ng pagbabaha sa Milaor, Camarines Sur ayon sa Lokal na Pamahalaan, nanawagan naman ang alkalde na isantabi ang politika.

Ayon kay Mayor Anthony Reyes, hindi maperfect ang pamamahagi ng ayuda pero siniguro ni Reyes na hindi sila namomilitika. Aniya, sa mga in-charge sa pamimigay ng relief goods pagtutulungan ang dapat na manaig.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Salaysay pa ng alkalde sa Brigada News FM Naga, pinakamataas na baha na nangyari sa Milaor ang naranasan nila dahil sa Bagyong Kristine, bahain ang lugar dahil sa lokasyon nito pero matindi talaga ang nagdaang bagyo kung isalarawan ng mga residente.

Ayon pa kay Reyes ilang dekada na ang binilang pero hindi naman aniya binabaha ang simbahan ng ganun kataas. Lubog sa tubig-baha ang 20 barangays.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Noong Linggo, Nobyembre 3, 2024, dala ni Senator Francis Tolentino ang ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Personal itong tinawagan ng alkalde upang umapela ng ayuda. Ang Brigada News FM Naga ay nagbigay na rin ng relief goods sa Barangay Balagbag.