PBBM: Karangalan, sakripisyo at serbisyo ng mga namayapa, dapat kilalanin

Kaisa si Pangulong Bongbong Marcos ng lahat ng mga Pilipinong Katoliko sa pag gunita ng All Saint’s at All Soul’s day.

Sa kanyang mensahe ngayong Undas, sinabi ng Pangulo na dapat rin nating alalahanin ang mga namayapang nag bigay daan sa ating kaunlaran.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Gayundin sa mga namayapang namuhay ng may karangalan, sakripisyo at paglilingkod sa bayan.

Ito rin anya ang tamang pagkakataon upang patatagin pa ang paniniwala at spiritual life ng mga Pilipino.

Hinimok pa ng Pangulo ang pamilyang Pilipino na gamitin ang pagkakataong ito upang bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay at mag alay ng panalangin

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sikapin din anya natin na mamuhay na may pagmamahal at malasakit sa kapwa.

Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng okasyon ngayong araw, maipapanumbalik nito ang pagiging mabuting tao at mabuting Pilipino.