SCPH extension building, bubuksan ngayong taon

KORONADAL CITY – INAASAHAN na mabubuksan na ang South Cotabato Provincial Hospital Extension Building sa Protech Center bago matapos ang taong 2024. Ang naturang proyekto ay pinondohan ng P 200 million at dagdag na P 200 million mula sa Department of Health.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Oras na matapos, ito ay magbibigay ng dagdag na mga rooms, at mga facilities upang mas marami pa ang maserbisyuhang mga pasyente, mapababa ang waiting time at mapabuti ang over-all healthcare delivery sa lalawigan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa pamamagitan din nito, ma-decongest ang kasalukuyang hospital building na dinadagsa ng mga pasyente lalo na’t nagpapatupad ito ng free hospitalization program.