Titingnan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang posibleng kaugnayan ng sinalakay na POGO hub sa Bataan kina dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon kay PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz, possibleng may koneksyon ang nauna nang na-raid sa Bamban, na kinasasangkutan di umano ni Alice Guo, pati na rin ang isa pa na posibleng may kaugnayan kay Atty. Harry Roque.
Samantala, iimbestigahan din ng PAOCC kung mayroong nalabag ang POGO hub sa environmental laws dahil nasa bundok na umano ito.