New York Liberty, wagi sa WNBA Championship

Start spreading the news dahil ipinagdiwang ng New York Liberty ang kanilang panalong laban sa Game 5 ng WNBA Finals.

Natapos ang kanilang overtime match sa mga iskor na 67-62 laban sa Minnesota, habang tumutugtog ang “New York, New York” ni Frank Sinatra matapos nilang makamit ang kauna-unahang tagumpay sa loob ng 27 taon.

Read More:  More than 100 swimmers to compete in SEA Open Water Championships in Boracay

Pinangunahan ni Jonquel Jones ang New York matapos makapagtala ng 17 puntos. Habang ang three points ni Leonie Fiebich ang nagpasimula ng overtime match.

Read More:  Alex Eala set to compete at Cincinnati Open ahead of US Open

Pinuri naman ng manlalarong si Breanna Stewart  ang Minnesota dahil sa kanilang naging mahigpit na laban. 

Ito na ang kauna-unahang championship ng Liberty sa kasaysayan ng WNBA, na nagbigay ng pag-asa sa mga basketball fans ng New York.